NAGBUHOS si Steph Curry ng 42 points at pinulbos ng bisitang Golden State Warriors ang New Orleans Pelicans, 130-102, Lunes ng gabi.
Nagdagdag si Chris Paul ng 13 points mula sa bench, kumabig si Trayce Jackson-Davis ng 13 points at 9 rebounds, at umiskor sina Moses Moody ng 13 points at Gary Payton II ng 10 para sa Warriors.
Tumipa sina CJ McCollum at Zion Williamson ng tig-19, gumawa si rookie Jordan Hawkins ng 14, nagposte si Matt Ryan ng 12 at nagdagdag sina Jonas Valanciunas at Kira Lewis Jr. ng tig- 11 points para sa Pelicans.
Ang Warriors ay naglaro na wala sina Klay Thompson (knee soreness) at Jonathan Kuminga (knee contusion) at sumalang ang Pelicans na wala si Brandon Ingram (knee soreness).
Celtics 126,
Wizards 107
Tumirada si Jaylen Brown ng game-high 36 points at tumapos si Jayson Tatum na may 33 upang tulungan ang bisitang Boston Celtics na dispatsahin ang Washington Wizards.
Nagdagdag si Kristaps Porzingis, naglaro para sa Washington noong nakaraang season, ng 15 points para sa Celtics, na umabante sa 100-68, may 3:30 ang nalalabi sa third quarter. Si Boston ay angat sa 108-75 papasok sa final period.
Nanguna si Kyle Kuzma para sa Washington na may 21 points. Nagdagdag si Eugene Omoruyi ng 14 points para sa Wizards, na nakakuha ng r 11-point performances mula kina Jordan Poole, Deni Avdija at Tyus Jones. Kumalawit din si Avdija ng team-high seven rebounds.
Nets 133,
Hornets 121
Naitala ni Cam Thomas ang 19 sa kanyang 33 points sa second half at tinulungan ang Brooklyn Nets sa kanilang unang panalo sa season, kontra host Charlotte Hornets.
Kumubra si Mikal Bridges ng 24 points at kumamada sina Lonnie Walker IV at Dorian Finney-Smith ng 19 points.
Ang Brooklyn ay nagtala ng 56.3-percent shooting mula sa field.
Bumuslo ang Nets ng 12 of 33 shots mula sa 3-point range (36.4 percent).
Umiskor si Terry Rozier ng 23 points at kumana si rookie Brandon Miller mula sa bench ng 22 points para sa Hornets, na tinapos ang 1-2 season-opening homestand sa back-to-back losses.
Nagdagdag si Mark Williams ng 18 points habang kumabig sina P.J. Washington, na kumalawit din ng 12 rebounds, at Gordon Hayward ng 15 points para sa Charlotte.