Standings W L
Marinero-San Beda 3 1
EcoOil-DLSU 3 1
CEU 2 1
PSP 2 2
Perpetual 2 2
Wang’s-Letran 0 2
AMA Online 0 3
Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
2 p.m. – CEU vs Wang’s-Letran
4 p.m. – Perpetual vs EcoOil-DLSU
DINISPATSA ng defending champion EcoOil-La Salle ang University of Perpetual Help System Dalta, 80-73, upang sumalo sa liderato sa PBA D-League Aspirants’ Cup kagabi sa Ynares Sports Arena.
Binura ng Green Archers ang maagang 12-point deficit sa likod ng fourth-quarter surge upang iposte ang ikalawang sunod na panalo at palakasin ang kanilang playoff hopes.
May 3-1 record sa kabuuan, ang EcoOil-DLSU ay tumabla sa walang larong Marinerong Pilipino-San Beda sa ibabaw ng standings.
Nagbuhos si Kevin Quiambao ng 15 points at 12 rebounds habang nagdagdag sina Francis Escandor, CJ Austria at Mark Nonoy chipped ng 15, 14 at 13 markers, ayon sa pagkakasunod-sunod, para sa Green Archers na hindi ininda ang pagkawala nina Mike at Ben Phillips, gayundin ni Evan Nelle.
Nahulog ang Altas sa 2-2.
“We know that we’re gonna struggle against a tough Perpetual team that’s been playing well here and in their other tournaments. Good thing, we’re able to figure things out defensively,” sabi ni deputy Gian Nazario.
“We’re just starting, we’re learning. We’re on that learning curve of figuring things out. We’ll have struggles and mas gusto namin iyon,” dagdag pa niya.
Sa unang laro, naitakas ng Centro Escolar University ang 92-85 overtime win kontra Wang’s Basketball @27 Striker-Letran upang umangat sa 2-1.