(Dahil sa banta ng COVID-19) US-ASEAN SPECIAL SUMMIT KINANSELA

Estados Unidos

KINANSELA ng Estados Unidos ang US- Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Special Summit na nakatakda sanang idaos sa Las Vegas ngayong Marso 14.

Bunsod ito ng banta ng pagkalat ng Coronavirus Disease (CO­VID-19) na nararanasan na sa buong mundo.

Sa pahayag ng isang Senior Trump administration official, kinonsulta muna nila ang lahat ng ASEAN partner bago tuluyang naglabas ng desisyon kaugnay sa pagpapaliban ng nasabing summit.

“As the international community works together to defeat the novel coronavirus, the United States, in consultation with ASEAN partners, has made the difficult decision to postpone the ASEAN leaders meeting,” ayon sa senior administration official.

Binigyang-diin pa ng nasabing opisyal na pinahahalagahan ng Estados Unidos ang relas­yon nito sa ASEAN member nations at kung saan ay inaasahang matutuloy rin ang nasabing summit sa sandaling humupa na ang COVID-19.

“We look forward to working closely with U.S. and ASEAN leadership to ensure the success of this important engagement at a later date,” pahayag ni Elizabeth Dugan, council’s vice president.

Matatandaang, dahil sa hindi nakadalo sa summit  sa Bangkok noong Nobyembre ng nakaraang taon si US President Donald Trump kung kaya’t inimbitahan nito ang mga lider ng 10-member ASEAN sa Las Vegas ngayong Marso.

Comments are closed.