DALAWA TUMBA SA ENGKUWENTRO, SAMPU PA KALABOSO

engkuwentro

BULACAN – DEAD on the spot ang dalawang lalaki na umano’y tulak ng ipinagbabawal na droga sa San Jose del Monte City noong Biyernes ng gabi, habang 10 katao ang inaresto sa ibat ibang kaso.

Sa report ni Acting PNP Provincial Director P/Col Emma Libunao, kinilala ang mga napatay na sina Ricardo Donsol, ng Brgy, Minuyan 4; at isang alayas Jonas ng Brgy. Assumption sa nabanggit na lungsod.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, bigla na lamang nagpaputok ng baril ang mga drug pusher nang makatunog na pulis ang kanilang katransaksiyon.

Nakuha sa engkuwentro ang isang Armscore cal.38 na baril, at 29 na plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang glass tube at isang motorsiklong walang plaka,

Kasabay nito ay apat na drug suspect pa ang nadakip na sina Ruel Baclayo, ng Brgy Iba; Gerardo Ogie, De Leon y Esgeki, at alyas Wengweng.

Arestado rin ang  limang wanted persons na nakatira sa iba’t ibang bayan sa Bulacan. THONY ARCENAL

Comments are closed.