HINDI pa handang pumasok sa lock-in taping si Derek Ramsay kaya kahit pumirma siya ng exclusive contract sa GMA-7 noong April 3, 2019 ay wala pa siyang proyekto liban sa teleseryeng The Better Woman (2019) na pinagtambalan nila ng ex-girlfriend niyang si Andrea Torres.
Nagkasundo si Derek at Kapuso management na isuspinde muna ang kontrata niya dahil natatakot pa siyang magtrabaho sa labas dahil kasama niya ang kanyang magulang sa bahay, at sakaling makasagap siya ng virus ay ang mga ito ang una niyang mahahawa.
Inalok umano sa kanya ang To Have and To Hold, teleseryeng sina Rocco Nacino, Carla Abellana at Max Collins ang bida pero nag-backout siya dahil priniority niya ang kanyang pamilya at naintindihan iyon ng GMA. – KNM