MAHINAHONG sinagot ni Derek ang mga paratang sa kanya ng mga netizen tungkol sa kumalat na litrato kasama ang isang babae.
Dahil nga sa breakup nila ng aktres na si Andrea Torres, may fans na pumanig sa aktres at inakusahan si Derek na playboy.
Pati si Pops Fernandez ay nadamay dahil lamang sa tinawag nitong “mommy” ang ina ni Derek Ramsay na si Remedios Ramsay. Nilinaw na ni Pops na walang katotohanan ang issue.
Nadamay rin ang isang fitness enthusiast nang ipinost nito sa instagram ang photo nila ni Derek Ramsay.
Nitong nakaraan nga ay nag-post na rin si Derek at sinagot ang mga paratang sa kanya.
Nilinaw ng aktor na pinagbigyan lamang niya ang hiling ng health and fitness instructor na magpa-picture sa kanya.
“May nagpa-picture sa akin, yung girl na… she’s a fitness enthusiast, super sexy, oo. Humingi siya ng picture, umoo ako.
“Ngayon, girlfriend ko na daw,”
“Parang nakakainsulto din kasi, di ba?” sagot ni Derek sa paratang sa kanya.
“So why did you suddenly unfollow her? Na shy ka sa netizens?
“O napagalitan ka ni @thejojieworld na manager mo?
“Tapos galit ka when people bash you??? Wow and heller!!!” comment ng netizens sa aktor.
Sinagot ni Derek ang akusasyon ng netizen, at sinabihang huwag maniwala sa lahat ng lumalabas sa social media.
“The issue is you seem to believe everything you read on the internet.” comment ni Derek sa netizen.
“She asked for a photo. That’s it.” paliwanag ni Derek. ANGELO BAINO
Comments are closed.