HINDI magkakaroon ng pagbabago sa operating hours ng Metro Rail Transit Line 3 sa kabila ng pagpapatupad ng bagong curfew schedule sa Metro Manila simula ngayong araw.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) ang unang tren ay aalis sa North Avenue station sa alas-4:37 ng umaga at sa Taft Avenue station sa alas-5:17 ng umaga.
Samantala, ang huling tren ay aalis sa North Avenue sa alas-9:30 ng gabi at sa Taft Avenue sa alas-10:10 ng gabi.
Magugunitang nagkasundo ang mga alkalde ng Metro Manila na magpatupad ng uniform curfew hours na mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga simula ngayong Lunes hanggang sa Marso 15 sa gitna ng paglobo ng kaso ng COVID-19.
Samantala, sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na nahaharap sa disciplinary action ang mga tauhan nito na nahuli sa video na minamadali ang pag-disinfect sa isang tren.
Sa isang video na kinunan noong Biyernes ng gabi sa North Avenue Station sa Quezon City, na nag-viral sa social media, ay nakita ang mga tauhan ng MRT-3 na minamadali ang pag-spray at pagpupunas sa grab handles sa loob ng tren, na ikinabahala ng mga netizen.
“We are assuring the riding public that matters have been taken to prevent a repeat of that unfortunate incident and that the personnel involved are now facing disciplinary action,” pahayag ng pamunuan sa isang statement.
979866 643201An interesting discussion is worth comment. I do think which you really should write read much more about this topic, it will not be considered a taboo topic but typically everybody is too few to communicate in on such topics. To yet another. Cheers 888296