DIGONG NAGBABALA SA PATAYAN SA NEGROS

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng mga pagbabago sa susunod na mga araw bunsod ng lumalalang patayan sa Negros Oriental.

“I will explain in the coming days. But I’m about to do something drastic,” sabi pa ng Pangulo sa kanyang talumpati sa 28th founding anniversary ng Bureau of Fire Protection na ginanap sa Pasay City.

“It will not sit well with everybody, may be including you, but it is needed,” giit ng Pangulo.

Aminado rin ang Pangulo na maging sa ilan pang bahagi ng bansa ay hindi maganda ang mga nangyayari.

“It has gone unabated, unbridled, unstoppable.” giit pa ng Pangulo.

Sinabi nitong  maraming mga barangay captain ang napapatay na aniya’y kagagawan ng rebeldeng New People’s Army.

“To the NPA, I’m warning you. This cannot go on,” dagdag pa ng Pangulo.

Naniniwala ang Pangulo na marapat na ma­ging ang mga bombero ay kailangang armasan upang makatuwang sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ng kapaligiran.

“But you must help. And you must help kill. Kill the enemy. Because your enemy will really kill you. So I’m warning everybody, including the Sparrows, the angels, I called them my Sparrows, will also looking for you…the angels of the government,” wika pa ng Pangulo.

Umaabot sa 21 katao ang naitalang napapatay  sa Negros Oriental mula noong Hulyo 18 kabilang dito ang  apat na pulis  matapos na umano’y su-mailalim pa sa pagpapahirap ng mga Maoist rebel.

Bagama’t nagbabalak na magpatupad ng drastikong hakbang ay tiniyak naman ng Pangulo na wala siyang ambisyon na maging diktador.

Muling inihayag nito na marapat lamang na siya’y barilin na rin sakaling magpatuloy sa pananatili sa Malakanyang sa pagtatapos ng kanyang termino.

“I do not need it. I am tired. I want to rest. I just want to complete what I agreed with the people as the term of my mandate. That’s all,” giit pa ng Pangulo.

Nauna nang sinabi ni  Presidential Spokesman Salvador Panelo na posibleng magdeklara ng Martial Law sa Negros Oriental ang Pangulo sakaling irekomenda ito ng militar at local officials sa lalawigan.

Sinagot din ni Panelo ang paratang ni dating Bayan Muna party-list Representative  Neri Colmenares na ang pulisya ang nasa likod ng mga nagaganap na karahasan sa Negros Oriental.

“We agree that justice must be delivered to the victims, as well as to the families of those who were killed in Negros Oriental. This government con-demns all forms of arbitrary killings,” sabi ni Panelo sa isang press statement.

“The remarks of Colmenares, along with his blaming the police for the spate of deaths, were “baseless and laced with malice.” giit pa niya.

Naniniwala si Panelo na siya ring chief presidential legal counsel na ang akusasyon ni Colmenares ay bahagi ng propaganda ng Communist Party of the Philippines na layon lamang na siraan  ang administrasyong Duterte at maging ang mga security force ng gobyerno.   EVELYN QUIROZ

Comments are closed.