DTI: ‘WAG MAG-OVERPRICE NG BISIKLETA, LAPTOPS

LAPTOP-BISIKLETA

SA HARAP ng inaasahang pagtaas ng demand  para sa bisikleta bilang alternatibong transportasyon at electronic gadgets, tulad ng laptops at mobile phones para sa online learning, nakiusap  ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyante na huwag pagsamantalahan ang mga consumer at magpatupad lamang ng makatuwirang taas-presyo.

“We understand that they have to recover from their losses for the past two and a half months, but not to take advantage of our consumers,” wika ni DTI Undersecretary Ruth Castelo.

Hinikayat niya ang mga consumer na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sakaling may napag-alamang tinaasan nang husto ang presyo ng naturang mga produkto.

“Kung may bahagyang increase na gagawin ang mga nagbebenta, i-report po nila sa amin at we will see kung unreasonable po ba ang increase nila then we will take action. Itawag po nila sa DTI number 1384 that is our consumer hotline [and sa] [email protected] email address,” ani Castelo.

Comments are closed.