DUELO NG MGA BIGATIN(La Salle vs Marinerong Pilipino)

Pba-D League

Mga laro ngayon:
(Ynares Sports Arena, Pasig)
11 a.m. – EcoOil-La Salle vs Marinerong Pilipino
1 p.m. – AMA Online vs Wangs Basketball @26-Letran
3 p.m. – Adalem Construction-St. Clare vs CEU

MAGSASALPUKAN ang top contenders EcoOil-La Salle at Marinerong Pilipino sa 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Maagang banggaan ito sa pagitan ng dalawa sa early favorites ng conference, kung saan maghaharap ang Skippers, ang nag-iisang club team sa eight-team field, at ang Green Archers sa alas-11 ng umaga.

“Talagang sobrang lakas ng La Salle at tingin ko sila ang team-to-beat,” pag-aamin ni Marinerong Pilipino coach Yong Garcia kung bumuo ng plano ang kanyang tropa para pigilan si Fil-Am forward Michael Phillips.

Ang UAAP Season 84 Mythical Team member ay exceptional para sa EcoOil-La Salle makaraang magbuhos ng 23 points, 13 rebounds, 3 blocks, at 2 assists sa 112-82 panalo kontra Builders Warehouse-UST noong Sabado.

Subalit palaban ang Marinerong Pilipino, sa pangunguna ng backcourt duo nina Jollo Go at Juan Gomez de Liano tulad ng namalas sa kanilang 86-74 victory laban sa Apex Fuel-San Sebastian kung saan nagtala ang dalawa ng pinagsamang 43 points.

Higit ang kasabikan ngayon ni Green Archers coach Derick Pumaren na subukan ang kanyang guards laban sa dalawa.

“Feeling ko it will be a really exciting game. Malakas ‘yung mga kalaban natin, but I’m confident in our preparation,” aniya habang inihintulad ang larong ito bilang potential title duel.

“We’ll just treat it like a championship game. We’ll just prepare to have a lot of our guys back, so that’s a really good game to see where we’re at as a team.”

Samantala, target ng Wangs Basketball @26-Letran at Centro Escolar University ang ikalawang panalo sa magkahiwalay na laro sa triple-header.

Makakasagupa ni Louie Sangalang at ng Knights ang AMA Online sa ala-1 ng hapon,habang makakaharap ng Scorpions, sa pangunguna ni Jerome Santos, kumana ng 36 points sa kanilang huling laro, ang Adalem Construction-St. Clare sa alas-3 ng hapon.