IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na magpasa ng bagong immigration law para higit na mapaunlad ang ahensiya.
Ayon kay Immigration commissioner Jaime Morente, ang Immigration Act of 1940 ay long overdue, at kinakailangan nang magkaroon ng pagbabago ang kanilang tanggapan.
Dagdag pa ni Morente, sa kasaysayan ng Filipinas, si Pangulong Duterte ang kauna-unahang presidente na nag-isip upang baguhin at i-modernized ang Immigration Law.
Inaasahan niya na bago magtapos ang termino nito ay magkakaroon ng amendment sa 1940 Immigration Act.
Umaapela si Morente sa Kongreso at Senado na gawing prayoridad ang naturang batas.
Panahon pa ng US Commonwealth ang umiiral na batas sa Immigration at mula noon ay walang presidente na nag-isip na baguhin ito, at maging ang mga mambabatas ay mistulang nakalimutan itong rebisahin.
Isa sa inaasahan sa gagawing pag-amyenda ay mataasan ang sahod ng mga kawani upang maiwasan ang korupsiyon sa bakuran ng BI. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.