DUTERTE KIKILOS VS NINJA COPS

DUTERTE-35

MOSCOW, Russia-HIHINTAYIN na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte na matapos ang imbestigasyon ng Kongreso kaugnay sa isyu ng mga tinaguriang “ ninja cops” bago gumawa ng kaukulang hakbang laban sa mga sangkot dito.

“The President will let Congres do and finish its investigation before taking any formal action on the issue of these ninja cops,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sa kanyang pagharap sa Valdai Forum sa Sochi ay  ibinunyag ng Pangulo na nananatiling aktibo pa rin sa kanilang transaksiyon sa ilegal na droga ang dalawang heneral na hindi naman niya pina­ngalanan.

“When I took over. I found out about nine generals were involved in the trafficking of drugs,” sabi pa ng Pangulo.

Muling nagbabala ang Pangulo sa mga sangkot sa droga.

“Well, I told you, do not destroy my country because I will kill you,” giit pa ng Pangulo.

Subalit tiniyak ng Pangulo na hihintayin din niya ang magiging rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa mga iniuugnay na matataas na opisyal ng pambansang pulisya  na sangkot sa ninja cops.

Bagama’t nasa Russia ang Pangulong Duterte ay patuloy pa rin ang pagmo-monitor sa mga kaganapann sa bansa, ayon kay Panelo.

“The President’s unyielding posture against illegal drugs and those who destroy the country, regardless of whether they belong to the government, by spreading these substances will not waver,” giit pa ng Pangulo. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.