GALIT na inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya “lame duck President” at walang sinuman ang maaaring manakot o takutin siya.
Ito ang nanggagalaiting pahayag ni Duterte kay House Speaker Alan Peter Cayetano sa ginanap na pagpupulong ng top officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Nanghihinayang at nagsisisi si Duterte sa naging desisyon nito na mas pinili niya si Cayetano kaysa sa dating Senador Bongbong Marcos na maging runningmate noong 2016 presidential race.
Dismayado rin ang Pangulo dahil sa nabitin na pagpasa sa panukalang P4.5 trillion 2021 national budget makaraang i-adjourn ang Congressional sessions noong Oktubre 6.
Gayunpaman, pinaalerto na ni Pangulong Duterte ang AFP at PNP na posibleng kailanganin ang tulong ng mga ito upang masiguro na hindi re-enacted budget ang gagamitin sa susunod na taon.
Kaugnay nito, nagbigay ng huling babala ang Pangulong Duterte sa mga mambabatas na resolbahin ang kanilang problema o siya ang aayos nito para sa kanila.
Ang kawalan ng pasensiya ng Pangulo ay bunsod na rin ng labanan sa leadership sa pagitan nina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na kung saan aniya, siya na ang kikilos para sa maipasa ang proposed national budget para sa susunod na taon.
“We always forget that there is higher maneuvering in Congress because everybody wants to be Speaker,” giit ni Duterte kasunod ng pahayag na huwag siyang idamay sa kanilang problema.
“Huwag ni’yo naman sobrahan ang laro sa Congress, na ang budget mismo ang ilagay sa alanganin,” diin ng Pangulo.
Kasabay nito, matapos ang ginawang public address ni Pangulong Duterte, sinabi ni Presidential Spokeperson Harry Roque na sinertipikahang “urgent” ng Pangulo ang proposed 2021 national budget as “urgent” at nanawagan sa Kongreso ng special session sa Oktubre 13 hanggang 16 upang maipagpatuloy ang nabinbing Congressional deliberations na siyang crucial bill na kinakailangan para mapag-tagumpayan ang national health emergency.
Sa nakalipas na pagpupulong, dalawang araw matapos i-adjourn ni Cayetano ang house session, inamin ni Duterte na nadenggoy siya ng kanyang 2016 running mate sa presidential election kung saan ginawa niya itong Foreign Secretary nang matalo sa vice presidential race at itinalaga bilang House Speaker.
Bago ang televised address, nag-usap sina Velasco at Duterte kaugnay sa adjournment ng congressional session kung saan nagpakita ng galit ang Pangulong Duterte na nagsalita ng mga katagang ” regretting his choice for running mate (Cayetano) over Marcos Jr.”
” Kitang kita ko ‘yung galit ng Pangulo. Sabi sa akin ni Pangulo, “Lord, hindi lang ikaw ang napahiya dito, tayong dalawa. ‘ Actually, the President used the word ‘Lord, nadenggoy tayong dalawa,” giit ni Velasco sa isang TV interview.
Comments are closed.