(Duterte nakiisa sa paggunita ng Undas) MGA MAHAL SA BUHAY, DAKILAIN

PANGULONG DUTERTE

NAKIISA  si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Filipino sa paggunita ng All Saints’ Day o Araw ng Undas.

“I am one with the Christian faithful as they observe All Saints Day and Souls Day,” ayon kay Pangulong Duterte. Wine-welcome ng mga Filipino ang buwan ng Nobyembre ng bukas ang puso dahil sa pag-alaala sa mga santo at namayapang mahal sa buhay.

Sinabi pa ng Pangulo na ang  mga yumao  ang nagbigay ng inspirasyon upang mapalago pa ang pananampalataya, pag-asa at pagmamahal. “We are reminded that, even in death, our bonds with them remains.”

Inanyayahan  ng Pangulo  ang samba­yanang Filipino na da­kilain ang mga namayapang mahal sa buhay na kapiling na ngayon ang Poong Maykapal.

Ang legasiya umano  ng mga ito ay mananatili bilang pinakamahalagang bahagi kung anuman ang isang tao ngayon at marami pang matatamo at mapagtatagumpayan mula sa kanilang mabubuting halimbawa.

“May their deeds inspire us to become advocates of peace and solidarity as we do our part in building our nation and in alleviating the suffering of others,” ayon sa Pangulo.

Sinabi din ng Pangulo na dapat ay alalahanin ang mga Santo at ipagdasal ang mga kaluluwa ng mga yumao at palalimin pa ang pakikipagtulu­ngan sa  mga komunidad patungo sa totoo at pangmatagalang pagbabago.

“I wish everyone a solemn and meaningful celebration,” pagtatapos nito.        CAMILLE B

Comments are closed.