DUTERTE, PM ABE NAGPULONG

duterte-abe

SINGAPORE – Tinalakay nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang kooperasyon sa larangan ng kapayapaan at impraestruktura sa idinaos na  bilateral meeting sa  bansang ito.

Hindi pinalawig ng Malakanyang ang detalye ng napag-usapan ng dalawang  lider na nangyari matapos ang closing ceremony ng 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits sa Suntec Singapore Convention and Exhibition Centre.

Nauna nang sinabi ni Duterte na nais niyang talakayin kay Abe ang pangangailangan para sa code of conduct sa pinagtatalunang South China Sea, trade and commerce at developments sa Korean Peninsula.

Sa opening remarks ng Pangulo ay binati nito si Abe sa pagkapanalo sa presidential election noong Setyembre.

Umaasa umano si Abe  na mas magiging maganda ang relasyon ng Japan at Filipinas.

Ipinaabot din ni Abe ang pakikidalamhati ng Japan sa  natural calamity na naranasan ng Filipinas. “I once again would like to express my condolences for your loss as well as those who lost their lives in the multiple typhoon disasters in the Philippines,” ayon sa prime minister.

Pinasalamatan ni Duterte ang Japanese government sa  tulong  nito.

Comments are closed.