WALANG interes si Pangulong Rodrigo Duterte na tumagal pa ang termino lampas ng Hunyo 2022.
Ito ang binigyang diin ni Presidential spokesman Harry Roque sa harap ng sinasabing pagsusulong na huwag na munang ituloy ang 2022 national elections.
Ayon kay Roque, hindi interesado ang Pangulong Duterte na mapalawig pa ang kanyang panunungkulan.
Ang ideya aniya na ipagpaliban ang halalan sa 2022 ay may kalakip na constitutional challenges.
Muling iginiit ng Palasyo na ang pagsusulong ng suspensiyon sa halalan ay dapat gawin sa pamamagitan ng pag- aamyenda sa umiiral na batas.
Labag aniya sa Konstitusyon ang pagpapaliban sa eleksiyon at malinaw ang isinasaad ng Saligang Batas na dapat isagawa ang halalan sa ikalawang Lunes ng buwan ng Mayo kada anim na taon.
“The national election is still two years away and we still have sufficient time to prepare. We can learn from the examples of other countries, such as the United States, which will be holding an election later this year, on how they conduct polls during COVID-19 pandemic, ” sabi ni Roque
“We must not use the existing global health crisis as a ground to cancel and reschedule the elections as this would not sit well with the public, ” giit pa ni Roque. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.