E-PAINTERS UMESKAPO SA BEERMEN

E-PAINTERS Vs Beermen

Mga laro ngayon:

AUF Sports Arena & Cultural Center

4 p.m. – Meralco vs Alaska

6:45 p.m. – Magnolia vs NLEX

NALUSUTAN ni Rey Nambatac ang masamang shooting performance at naipasok ang isang krusyal na tres upang ihatid ang Rain or Shine sa 87-83 panalo laban sa  San Miguel Beer sa PBA Philippine Cup kagabi  sa Angeles University Foundation Gym sa  Angeles City, Pampanga.

Naisalpak ni Nambatac ang isang off-balance, desperation three-pointer, may 12 segundo ang nalalabi, upang bigyan ang Elasto Painters ng 85-81 kalamangan.

Naging tuntungan ito ng Rain or Shine upang matakasan ang Beermen, na binura ang 16-point deficit sa first quarter subalit hindi nakumple-to ang paghahabol.

“We started pretty well,” wika ni ROS coach Caloy Garcia, na ang koponan ay sinimulan ang laro sa pamamagitan ng 16 unanswered points. “But knowing San Miguel, they will always fight until the end.”

“We got the win probably because Rey hit a big three-point shot to give us a four-point lead. Noong huli, labanan na sa three-points, and Rey hit a big shot,” dagdag pa ni Garcia.

Tumapos si Nambatac na may apat na puntos lamang, bagama’t kumalawit siya ng 7 rebounds at nagbigay ng 4 assists.

Nanguna si sophomore forward Javee Mocon para sa Rain or Shine na may  25 points, habang nag-ambag si Beau Belga ng 12 points at 6 boards, at  gumawa si Kris Rosales ng 15 points mula sa bench.

Ang Beermen na pumasok sa bubble na may 1-0 record ay naghahabol lamang ng isang puntos, 82-81, matapos ang back-to-back three-pointers mula kina Moala Tautuaa at Terrence Romeo.

Nakopo ng San Miguel ang kanilang unang panalo sa fPhilippine Cup laban sa  Magnolia, 94-78, noong March 8, bago sinuspinde ang conference dahil sa COVID-19. CLYDE MARIANO

Comments are closed.