ELITE NILANGO NG BEERMEN

beermen

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – TNT vs Meralco

7 p.m.- Alaska vs Phoenix

SA WAKAS ay nakapasok din ang San Miguel Beer sa win column makaraang pulbusin ang Blackwater, 127-106, sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena.

Dinomina ng Beermen ang laro at ipinoste ang impresibong panalo upang umangat sa 1-2 kartada, habang bumagsak ang Elite sa 5-2 sa ikalawang puwesto.

Balik sa porma ang Beermen matapos ang ­unang dalawang malam­yang laro mula sa mahabang bakasyon na umabot ng tatlong linggo makaraang matagumpay na maidepensa ang Philippine Cup title kontra sister team at reigning Governors’ Cup champion Magnolia Hotshots.

Ang 127 puntos na kinamada ng San Miguel ang pinakamataas ng isang  koponan.

Lumamang ang SMB sa 92-74 at 111-98 at hindi na binitiwan ang trangko sa kabila ng pagpupumiglas ang Blackwater na makakawala sa kuko ng Beermen.

Magkatuwang na dinala nina Marcio Lassiter, June Mar Fajaro at import Charles Rhodes ang opensiba ng Beermen sa last quarter at pinutol ang winning run ng Elite na nagdala sa kanila sa itaas ng team standings.

Sa kabila na hindi naglaro si Terrence Romeo ay kinontrol ng Beermen ang laro at pinaulanan ang Elite ng mga tira mula sa apat na sulok ng court, sa pangunugna ni Lassiter na kumamada ng 29 points, kasama ang siyam na tres, upang muling tanghaling ‘Best Player of the Game’.

“We really wanted to win this game. We have to come up with superior game to erase the defeat to North Port in the first Game,” sabi ni Lassiter. CLYDE MARIANO

Iskor:

San Miguel (127)  – Rhodes 32, Lassiter 29, Cabagnot 19, Fajardo 12, Pessumal 12, Rosser 7, Zamar 8, Ross 6, Standhardinger 2.

Blackwater (106) – Parks 23, Digregorio 18, Sumang 17, Al-Hussaini 11, Maliksi 11, Javier 6, Sena 5, Tratter 5, Cortez 4, Belo 2, Banal 2, Alolino 2, Jose 0, Desiderio 0.

QS: 29-21, 62-47, 90-74, 127-106.

Comments are closed.