ELLEN ADARNA NAIRITA SA BASHER NI DEREK RAMSAY NA NAGSABING “TANDA, PA-CUTE, KALBO”

BWISIT na bwisit si Ellen Adarna sa mga masasamang kumento ng mga bashers ni Derek Ramsay sa social media.

Masasabing whirlwind romance ang nakakakilig na relasyon ng dalawa dahil siyam na buwan pa lamang ang kanilang relasyon ay magpapakasal na sila. Sa araw-araw, pagkagising pa lang ay nagpo-post na agad si Ellen sa Instagram tulad halimbawa ng “Love, you’re so handsome.” Na sasagutin naman ni Derek ng “Fiance Appreciation Post [smi­ling face with heart-eyes, zany face emojis] @ramsayderek07 shet, my hormones [face with tears of joy emoji]”

Pero kamakailan, nabulabog ang daily romantic routine ng dalawa nang makisawsaw ang mga sawsawerang ba­shers. Nag-basag-trip kasi ang isang netizen na nagkumento ng ganito: “Tanda na di na bagay sayo derik pa cute kalbo.”

Bagay na hindi pina­lampas ni Ellen. Sana raw, hindi nakikialam at humanash ang basher dahil mukha rin daw itong “matanda.”

Buong komento ni Ellen: “mukha ka din naman matanda ah… di na rin bagay sayo makialam and humanash bakit, cute ka? ganda ka???!!!”

May isang netizen naman ang nag-IG Story ng komento ni Ellen. Sabi nito sa caption: “Hahaha that’s why iloveyou @maria.elena.adarna”

Ni-repost ito ni Ellen at ang caption niya: “Tingin tingin din cya sa mirror pag may time.” Maraming netizens ang nakiayon sa sagot ni Ellen sa basher.

Pagkaalam naming, hindi masyadong patola si Ellen dati sa basher. Nataon sigurong masama ang gising, malas lang ng basher. – KAYE NEBRE MARTIN

110 thoughts on “ELLEN ADARNA NAIRITA SA BASHER NI DEREK RAMSAY NA NAGSABING “TANDA, PA-CUTE, KALBO””

  1. 457520 9271Hi. Thank you for generating this internet site . I m working on betting online niche and have found this website utilizing search on bing . Will be positive to appear much more of your content . Gracias , see ya. :S 659074

Comments are closed.