ELLEN, DEREK MAY BABY GIRL NA

Naibalita namin sa inyo noong Thursday na nanganak na ang aktres na si Ellen Adarna.

Mismong si Derek Ramsay ang nag-post nito sa kanyang Instagram kaya pinik-up agad namin. Pero bumagyo noong Thursday kaya ewan namin kung nabasa nyo kaya inulit namin ang pagbabalita.

Very happy ang  panganay nilang si Elias Modesto, anak ng aktres sa dating karelasyong si John Lloyd Cruz. Kasi naman, may little sister na siya.

Sabi ni Derek, “My world keeps getting better and better!” posted on October 22.

So Tuesday pa pala nagsilang si Ellen ng healthy baby girl.

Maraming nag-congratulate sa mag-asawa sa pagkakaroon nila ng baby including celebrity friends.

Natupad ang pa­ngarap nila ni Ellen na magka-baby sa taong ito, 2024, Year of the Dragon.

Halos lahat daw kasi sila sa bahay ay Year of the Dragon kaya mas maganda raw kung pati ang baby nila, Dragon din.

Sabi ni Derek noong December 2023, “We really have three Dra­gons in my house—my nephew, my son is also a Dragon.

So, the house is a very, very lucky House of Dragons. We want our next child to be a Dra­gon.”

Hindi kinumpir­ma ng dalawa ang pagbubuntis si Ellen, pero normal thing ito kay Ellen. Sikreto rin niyang ipinagbuntis si Elias  Mo­desto.

Beforehand, may post si Derek sa Instagram na “Can’t wait @maria.elena.adarna Alam mo na! lol.”

RLVN