PUMALO sa $6.4-billion ang foreign direct investment (FDI) net inflows sa unang walong buwan ng taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Mas mataas ito ng 39.7% kumpara sa P4.6-billion na naitala sa kaparehong panahon noong 2020.
Ang FDI ay ang investment ng isang non-resident o foreign direct investor sa isang resident enterprise o ang investment na isinagawa ng isang non-resident subsidiary o associate sa resident direct investor nito.
Ayon sa central bank, ang FDI ay maaaring sa pamamagitan ng equity capital, reinvestment of earnings, at borrowings.
“The cumulative FDI net inflows rose on the back of the 71.6% growth in non-residents’ net investments in debt instruments to $4.5 billion from $2.6 billion,” ayon sa BSP.
“Likewise, reinvestment of earnings rose 11% to $776 million from the $699 million registered last year,” dagdag pa nito.
Gayunman, ang net investments ng non-residents sa equity capital ay bumaba ng 12.2% sa $1.1 billion, mula $1.2 billion noong nakaraang taon.
Bumaba rin ang net investments sa equity capital kung saan ang placements ay bumagsak ng 8.2% sa $1.4 billion mula $1.5 billion at tumaas ang withdrawals ng 12.1% sa $272 million mula $243 million.
Ang equity capital placements ay nagmula sa Singapore, Japan, at United States.
Ang mga ito ay pangunahing inilagak sa manufacturing; financial and insurance; electricity, gas, steam, and air-conditioning; at real estate industries.
Sa datos ng BSP, ang FDI net inflows noong Agosto ay nagkakahalaga ng $812 million, tumaas ng 19.8% mula $677 million sa kaparehong panahon noong 2020.
“The expansion in FDI net inflows for the month was driven by non-residents’ net investments in debt instruments, which grew 38% year-on-year to $636 million from $461 million in August 2020,” anang BSP.
Karamihan sa equity capital placements sa naturang buwan ay nagmula sa Japan, Netherlands, at United States.
Ang mga ito ay ipinasok sa manufacturing, information and communication, at real estate industries