FOREIGN DIRECT INVESTMENTS BUMABA ($548-M noong Marso)

FOREIGN INVESTMENTS PLEDGES

BUMABA ang foreign direct investments (FDIs) sa bansa noong Marso, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos na inilabas ng BSP, ang FDI net inflows ay nasa $548 million noong Marso, mas mababa ng 30.7% kumpara sa $792 million na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, at sa $1.047 billion noong Pebrero.

“The said decline resulted from lower net inflows from across all major FDI components amid investor concerns over subdued global growth prospects,” pahayag ng central bank sa isang statement.

Ang inflows ng non-residents sa net debt instruments ay bumaba ng 37.2% sa $389 million, ang net equity other than reinvestment of earnings ay bumaba ng 11.7% sa $94 million, at ang reinvestment of earnings ay lumiit ng 0.1% sa $65 million.

Karamihan sa equity capital placements para sa buwan ay nagmula sa Singapore, Japan, at United States, na ipinadaan sa manufacturing (27%), information and communication (26%), real estate (23%), at others (25%).

Ang first-quarter FDI net inflows ay bumaba ng 19.6% sa. $2.042 billion mula $2.542 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang Japan, Singapore, at United States ang top country sources para sa naturang panahon.