FOREIGN INVESTMENTS BUMABA

FOREIGN INVESTMENTS

NAGTALA ng double-digit drop sa investments na isinagawa ng mga dayuhang kompanya o indibidwal sa bansa noong Enero, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos na ipinalabas ng central bank, ang foreign direct investment (FDIs) ay bumaba ng 38.2 percent upang magtala ng in-flow na $609 million mula sa  $986 million inflow sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

“The decline in FDI net inflows reflected the 65.3-percent drop in equity capital placements to $184 million during the month from $531 million for the same period a year ago,” paliwanag ng BSP.

Ang equity capital placements para sa buwan ay nagmula sa Mauritius, South Korea, Uni­ted States, Singapore, at ­Netherlands.

Ang mga ito ay ipinadaloy sa financial and insurance; administrative and support services; real estate; electricity, gas, steam, and air-conditioning supply; at information and communication industries.

“Further, the increase in equity capital withdrawals to $229 million in January 2019 from $58 million in January 2018 contributed to the decrease in FDI net inflows,” sabi pa ng BSP, kung saan ang pinaka-malaking capital withdrawals para sa buwan ay nag-mula sa Japan.

Ang FDI net inflows ay pumalo sa $9.8 billion noong nakaraang taon, mas mababa ng 4.4 percent  kumpara sa $10 billion na naitala noong 2017.

Comments are closed.