FOREIGN INVESTMENTS BUMUHOS, $4.8-B SA UNANG 5 BUWAN NG 2018

NAGPATULOY ang pagpasok ng foreign direct investments sa bansa para sa January-May 2018 period, na may naitalang net inflows na $4.8 billion, mas mataas ng 49 percent sa kaparehong panahon noong 2017,  ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa BSP, ang patuloy na pagbuhos ng investments ay dahil sa  solid macroeconomic fundamentals at growth prospects ng bansa.

Sa datos ng central bank, ang net equity capital investments ay tumaas ng  469.1 percent sa $1.4 billion sa January-May period, habang ang gross equity capital placements ay apat na beses na tumaas sa $1.5 billion, at ang withdrawals ay nagkakahalaga ng $139 million.

Ang equity capital placements sa nasabing panahon ay pangunahing nagmula sa Singapore, Hong Kong, China, Japan at Estados Unidos.

“The placements were largely invested in manufacturing; financial and insurance; real estate; arts, entertainment and recreation; and electricity, gas, steam and air-conditioning supply activities,” pahayag ng BSP.

Ayon pa sa datos, ang debt instruments ay tumaas ng 17.3 percent sa $3.1 billion mula sa $2.7 billion sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon, at ang reinvestment of earnings ay naitala sa $343 million sa nasabing panahon.

Para sa buwan pa lamang ng Mayo, ang FDI net inflows ay dalawang beses na tumaas sa $1.6 billion mula sa $677 million na naitala noong nakaraang taon.

“All FDI components yielded higher net inflows during the month,” sabi ng BSP.

Nasa 80 percent ng FDI net inflows ay nasa anyo ng non-residents’ investments sa debt instruments na inisyu ng local affiliates o intercompany borrowings, na lumago ng 135.7 percent sa $1.3 billion mula sa $564 million noong 2017.

“Net equity capital investments for the month increased more than five times to reach $241 million from $43 million during the same month last year,” ayon pa sa BSP.

“Equity capital placements amounted to $257 million while withdrawals continued to be low at $15 million.”

Ang Singapore, United Kingdom, Germany, US at Japan ang pangunahing pinagmumulan ng equity capital placements noong Mayo.

Comments are closed.