FOREIGN INVESTMENTS LUMOBO, P7-B SA UNANG 5 BUWAN

FOREIGN INVESTMENTS

NANANATILING kumpiyansa ang mga foreign investor sa Philippine investment prospects sa paglobo ng foreign direct investment (FDIs) na nakarehistro sa Philippine Board of Investments (BOI) ng 29 percent mula Enero hanggang Mayo 2018 sa P7 billion kumpara sa P5.38 billion sa kaparehong pa­nahon noong nakaraang taon.

Ang paglago sa FDIs  ay nakatulong sa overall increase sa BOI registrations kung saan ang investment projects na inaprubahan ng ahensiya ay tumaas ng 18.92 percent sa unang limang buwan ng taon sa P207.480 billion mula sa P174.472 billion lamang na naitala sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Ang aktuwal na  FDIs na naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay nagpakita ng US$2.2 billion net inflows hanggang sa first quarter ng 2018, mas mataas ng 43.5 percent sa US$1.5 billion noong nakaraang taon.

Sa datos ng BOI, ang Japan ang top foreign investor ng bansa na may P2.645 billion mula Enero hanggang Mayo 2018, kasunod ang Italy na may P485 million, China na may P472 million, United States na may P463 million, at Hong Kong na may P206.82 million.

“The Philippines has a growing economy.  In fact, our country is projected to grow more than five times its current economic size and become the 24th biggest economy in the world by 2030.  Together with this growth, we see stronger demand for many projects on infrastructure, services, manufacturing, and utilities,” wika ni Trade Secretary and BOI Chairman Ramon Lopez.

“An expanding economy also means a fast-growing consumer base and middle class with stronger purchasing power,” aniya.

“These figures are just preliminaries.  We expect more foreign investments to come in as a result of the various presidential visits and investment promotion activities conducted in the past months,” dagdag pa niya.

Comments are closed.