ANG Professional Sports Summit ang sentro ng talakayan sa “Usapang Sports on Air” ng Tabloids Organization in Philpppine Sports (TOPS) via Zoom ngayong Huwebes (Sept. 16) sa alas-10 ng umaga.
Pangungunahan ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang mga panauhing tagapagsalita para sa isang araw na online professional sports summit na ikatlong pagkakataong nang isinasagawa ng tanging ahensiya ng pamahalaan sa pro sports.
Nakatakda ang Summit sa Setyembre 29.
Inaasahang magbibigay rin ng kanilang pananaw sa sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at GAB sina Commissioners Ed Trinidad at Mar Masanguid, gayundin ang ilang divisions heads ng ahensiya.
Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat na makiisa sa talakayan na mapapanood din via livestreaming sa YouTube at FB page. Ang beteranong sportscaster na si Ernest Leo Hernandez ang moderator
Comments are closed.