MAY sagot si Gabby Concepcion sa open letter ng ex niyang si Sharon Cuneta para sa anak nilang si KC Concepcion.
Ani Gabby sa kanyang Instagram account: “I’m happy that you feel peace but you need to help your daughter and keep her from her abuser which is her own mom. @reallysharoncuneta @itskcconcepcion needs to be protected, help her.”
May binanggit pa ang actor na “look at my post in my feed.”
Kahit hindi sila nagkasama ng anak na si KC ay mayroon din namang bonding ang mag-ama.
Siya ngayon ang shining armor na nagpoprotekta sa panganay na anak.
Eto ang mga matatalinghagang cyptic post ni Gabby:
“You’re not being selfish for wanting to be treated well.
“Remember that.”
Mayroon pa ring quote na “Choose Battles Wisely – some people love to fight: don’t be some. Allow people to fight themselves. Suppress the need to argue. You don’t need to be right. You don’t need to prove anyone wrong. There is no value in living a life when when you walk around attempting to prove people wrong.”
Bandang huli ang post ni Gabby ay “The less you respond to negative people, the more peaceful your life will become.
“Happy are those who know it’s the little things that mean the most.”
Ang last cryptic post ni Gabby: “Unconditional love that’s not mean unconditional acceptance of bad behavior.”
Through cryptic words pinararamdam ni Gabby ang pagmamahal niya kay KC.
Iniintindi niya kung anuman ngayon ang pinagdaraanan ng anak.
Most of all, ibig niyang tumahimik na si Megastar sa paglalabas ng mga emotional messages para kay KC nang sa ganu’n ay hindi na maging circus ang buhay nilang mag-ina.
Ayon sa netizens ay paglalabas daw ng open letter ni Sharon para kay KC ay para raw nitong pinahiya ang anak.
Ani ng netizen, “ako sermon ng sermon but hindi ko naman pinahiya ang mga anak ko. Sa bahay lang talaga ako talak ng talak… sa labas very good talaga ang mga anak ko.. what’s happening sa loob ng pamilya stays sa pamilya.”
“Matalak din ang nanay ko but in fairness my nanay never talak talak me in public or pinapahiya.”
May nagbiro pang, ‘Gosh thank God I’m not Sharon Cuneta’s daughter.’
Tama naman ang sinabi ng isang netizen na hindi nabibili ng pera ang kasiyahan ng isang tao.
“Money doesn’t buy happiness to some of the people in the world. Happy family is the better contentment there is.”
Comments are closed.