GALEDO, PRADO PINAKAMABILIS SA TIME TRIAL RACES

TAGAYTAY City— Nanalasa sina Mark John Galedo at Jermyn Prado sa individual time trial (UTT) races sa Day 2 ng PhilCycling National Championships for Road 2022 noong Miyerkoles.

Naorasan si Galedo, ang pinakabeterano sa grupo, ng 52 minutes at 43.10 seconds upang kunin ang gold sa men’s ITT na kinarera sa 30 kms mula Nasugbu hanggang Praying Hands Monument dito.

“I prepared hard because these are the national championships,” wika ni Galedo, pumadyak para sa 7-Eleven Roadbike Philippines. “I still feel them in my legs and I’ll go on riding.”

Ang kanyang mga katunggali ay mga bigatin din sa Philippine cycling sa championships na co-presented ng Standard Insurance, MVP Sports Foundation at Smart at suportado ng Chooks-to-Go, San Miguel Corp., Petron, Le Tour de Filipinas-Air21-One LGC, Tagaytay City, Go For Gold, Cavite’s First District, Batangas First District, Batangas at ng Philippine National Police.

Tumapos sina Philippine Navy-Standard Insurance’s Ronald Oranza at Jhon Mark Camingao sa 2-3 sa likod ni Galedo na mabagal ng 31 seconds at 2:22.

Pinangunahan ni Nichol Pareja (7-Eleven Roadbike Philippines) ang Men’s Under-23 sa 30kms na karera sa oras na 55:49.20, kasunod sina Macryan Lago (Go For Gold), 14 seconds behind at Arvin Duanne Digap na mabagal ng halos anim na minuto.

Makaraang pagharian ang criterium noong Martes, muling umusok si Prada at dinomina ang 20-km women’s ITT sa loob ng 39 minutes at 14.20 seconds.

Kinumpleto ng dalawang Philippine Navy-Standard Insurance riders ang podium—Marianne Grace Dacumos (2:30 behind) at Avegail Rombaon (2:39 behind) sa championships na naitala sa kasaysayan ng Philippine cycling bilang most attended na may halos 600 riders na nagpatala sa dalawang genders at apat na categories.

Naorasan si Phoebe Salazar (7-Eleven Roadbike Philippines) ng 41:56.10 upang makopo ang gold sa Women’s Under 23, na sinundan nina Philippine Navy-Standard Insurance’s Kate Yasmin Velasco (42.34 behind) at Mary Joy Zamora 1:53.80).

Ang iba pang Men’s category podium finishers sa event na organisa ng PhilCycling na pinamumunuan ni Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, na siya ring Philippine Olympic Committee president, ay sina Lance Andrew Lumanlan (34.26), Zack Reyes (1:09 behind) at RR King Roque of Go For Gold (1:28) sa Juniors at Samstill Mamites (15:24.40), Justhene Navaluna (15.73) at Mark Kairos Amban (26.20) sa Youth

Sina Raven Joy Valdez (18:53.80), Althea Mae Campana (2:30 behind) at Angelica Altamirano (13:54) ay 1-2-3 sa Junior habang inokupahan nina Kym Syrell Bonilla (13:33.00), Rosalie de la Cruz (1:34.80) at Ems Krog (1:36.40) ang podium sa Women’s Youth.