GIANT LANTERN FESTIVAL, PASKO NA PALA

Tuwing panahon ng Kapaskuhan, abala na ang mga barangay sa San Fernando, Pampanga sa paggawa ng malalaki at makukulay na parol. Parol ang tunay na simbolo ng mga Filipino sa kapaskuhan, kaya natural lamang na may pagdiriwang para dito. Ito ang tinatawag nilang Giant Lantern Festival ng San Fernando Pampanga,  na tunay na pinagdarayo ng napakaraming tao mula pa noong 1931.

Sa panahong ito, nagkakaroon ng kumpetisyon ang bawat barangay. Gumagawa sila ng mga higanteng parol para i-display sa Grand Lantern Festival. Ang pinakamagandang parol ay mananalo ng premyo.

Ang Giant Lantern Festival (Ligligan Parul) ay taunang pagdiriwang na ginaganap tuwing December 12 sa San Fernando City, Pampanga, Philippines. Nagtatagal ito ng dalawang linggo, at matapos ang kumpe­tisyon, ii-exhibit sila sa buong siyudad hanggang sa araw g Pasko. Nagsimu­la ito noong 1931 nang magkakuryente sa San Fernando.

Kinikilala ang San Fernando, Pampanga bilang Christmas Capital of the Philippines. Kung tutuusin, nagsimula ang tradisyong ito noon pang 1904 at 1908, ngunit na­ging modern na ito sa paglipas ng panahon, mula noong 1930s nang magkaroon ng kuryente sa San Fernando.

Kapag sinabing giant lantern, ang standard size ay 20 feet in height – maraming makukulay na ilaw na nakakabit sa wires.                         – NV