GIYERA VS KARAHASAN SA KABABAIHAN PINAIGTING

MOVE

CAMP CRAME – PINALAKAS ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang pagbabantay laban sa domestic violence at karahasan sa kababaihan.

Ito ang naging sentro ng selebrasyon ng 6th Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE) PNP Summit noong Nob­yembre 6 na may temang “VAW Free Community Starts with Me,” na pinangunahan ng PNP Directorate for Police Community Relations.

Layunin nito na alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon at karahasan sa kababaihan.

Sinabi ni DPCR Director, MGen. Benigno Durana Jr., na ang hangad nilang maging malaya, hindi lang ng mga tahanan kundi ang Filipinas sa pananakit sa kababaihan.

“MOVE envisions a VAW-free society where men take an active role in eliminating violence against women as studies show that men are mostly the perpetrators of VAW,” ayon kay Durana.

Noong Nobyembre 27, 2006 ay unang inilunsad ang  MOVE sa inisyatibo ng Philippine Commission on Women  bilang pag-alala sa 18-Day Campaign to End VAW habang inorganisa ang MOVE PNP Chapter noong Enero 14, 2010  kasabay ng unang summit  para rito na dinaluhan ng PCR officers at iba’t ibang yunit ng PNP. EUNICE C.

Comments are closed.