ILAGAN, Isabela- Nasikwat ni Ma. Khrizzie Clarisse Ruzol ng Filipinas ang ginto sa pole vault girls sa 14th Southeast Asia Youth Athletics Championship sa Ilagan Sports and Cultural Center dito.
Pinangunahan naman ni Peerapat Insuwan ang tatlong gold medal haul ng Thailand nang madominahan ang high jump.
Kinuha ni Ruzol, 16, ng Navotas, ang ginto sa nilundag na 2.60 meters at tinalo ang kanyang kababayan na si Jessa Marie Libures, 15, ng Quezon City, na nagkasya sa silver sa 2.37 meters.
Inangkin ni Insuwan ang gold sa 1.93 meters laban kina Jonathan Pua Wei Kai ng Singapore (silver) at local pride Patrick Shane Tolentino na tumalon ng 1.90 meters para sa bronze.
Ang kanyang golden leap ay dinuplika nina Bandit Singhatongkul sa discuss boys 51.67 meters at Nattticha Sengha sa 100m hurdles girls sa 15.40 seconds at determinado ang strong 48-field Thailand delegation na higitan ang limang ginto na nakuha noong nakaraang taon na dinomina ng Vietnam na may 13-8-0 medals at gumawa ng dalawang bagong meet records sa kabayanihan nina Thruong Cuong Nguyen sa 1500m at Le Howa Phuong sa shot put.
Nagtabla sina Insuwan at Pua subalit nakuha ng Thai ang ginto sa lesser attempt.
Bigo si Insuwan na higitan ang kanyang personal record na 1.96 meters at mababa sa standing record na 2.13 meters na hawak ni Mlohd Azly Ghazali ng Malaysia sa Singapore noong 2012 at 2.16 meters Philippine record na ginawa ni Luis Juico noong 1987 sa Sacramento, California. CLYDE MARIANO
Comments are closed.