GRETCHEN HO ISA SA TORCHBEARERS SA 2020 TOKYO OLYMPICS

GRETCHEN HO

NAPILI si television host at volleyball player Gretchen Ho bilang isa sa torchbearers sa 2020 Tokyo Olympics.

Inanunsiyo ni Ho sa Twitter ang kanyang matagumpay na aplikasyon na maging isa sa torchbearers sa inaabangang sports event.

“GREAT NEWS TO END 2019. Guess who’s going to be a torchbearer at the  @Tokyo2020 Olympics??? This is every athlete’s dream!!! I. Just. Can’t. Wait. For the new year to begiiiin! #tokyo2020,” tweet ni Ho noong Sabado.

“Just to clarify — I’m not the country’s official flag bearer. I applied for this and got chosen. Will definitely be a proud Filipino there though,” sabi pa ni Ho sa hiwalay na tweet.

Ayon sa website ng 2020 Tokyo Olympics, ang torch relay ay lilibot sa lahat ng 47 prefectures sa Japan, at ipakikita ang iba’t ibang cultural at scenic attractions ng bawat rehiyon.

May temang “Hope Lights Our Way”, ang Olympic flame ay unang idi-display sa iba’t ibang lokasyon sa Tohoku region upang tulungang bigyang-diin ang mensahang ito ng pag-asa sa mga lugar na tinamaan ng 2011 earthquake at tsuna-mi.

Ang Tokyo Olympics ay magbubukas sa July 24, 2020.

Comments are closed.