“HUWAG kang mawalan nang pag-asa kung hindi ka makapapasok sa kolehiyo, mayroong TESDA na magbibigay sa iyo nang pangalawang pagkakataon,” ito ang payo ni Paul John “PJ” T. Romano, sa mga kabataang ‘di makapasok sa kolehiyo dahil sa kahirapan. Si PJ ay graduate ng mga technical-vocational courses na Automotive Servicing NC ll at Electrical Installation and Maintenance (EIM) NC ll, at kasalukuyang nagtatrabaho bilang technician sa isang contrac-tor company ng isang telecom giant sa Ormoc City.
Si PJ, 26-anyos ay taga-Brgy. Tugbong, Kananga, Leyte, panganay siya sa tatlong magkakapatid, at pagsasaka ang ikinabu-buhay ng kanilang pamilya. Pagka-graduate ng high school, nagdesisyon siyang kumuha ng Automotive Servicing NC ll sa Or-moc City Technological Manpower Training and Research Center (OCTMTRC) noong 2010.
Hindi n’ya ito nagamit dahil agad siyang pumasok ng trabaho bilang photographer at editor sa isang photography shop sa Or-moc City at naging field enumerator sa NSO para makatulong sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Nang maka-graduate ang isang kapatid, mag-e-enroll na sana si PJ sa college, subalit naharang ito ng magandang oportunidad, sinabihan sila ng kanilang barangay secretary na ang Primona Holy Infant Academy, Inc. ay naghahanap ng mga gustong mag-training sa EIM NC ll.
Nagkainteres si PJ dahil gusto n’yang mapahusay ang kanyang skills sa electrical maintenance. Naniniwala siya na sa pama-magitan ng national certificate, magkakaroon siya ng mga oportunidad na makapasok nang mas maayos na trabaho at tumanggap nang mas malaking sahod. Nagugustuhan n’ya ang TESDA, dahil sa loob nang maikling panahong pagsasanay, makakakuha agad ng trabaho. “Employers in the industry prefer to hire the NC holders because of the certification of TESDA.”
Pagka-graduate sa EIM NC ll nitong 2019, si PJ ay nagtrabaho bilang technician sa MERALCO Industrial Engineering Ser-vices Corporation (MIESCOR), isa sa mga malalaking kompanya sa Quezon City. “My TESDA certificate has helped me to be employed at MIESCOR that have high standard in hiring technicians. The entrance exams were hard but with the skills I learned from my trainings, I was able to pass the evaluations and became a Certified Global Specialist Level l.”
Gayunpaman, kamakailan ay nag-resign si PJ sa MIESCOR sa pakiusap ng kanyang mga magulang na umuwi na siya sa Leyte. Agad naman siyang nakapasok sa Ormoc City bilang technician sa Gold Link Infratech Corporation, contractor ng Globe Telecommunication company. Plano niyang mag-aral sa kolehiyo at magpatayo ng negosyo.
Comments are closed.