BULACAN-ISANG gym instructor na suspek sa pagpatay at pagtangay sa sasakyan ng biktima ang nakorner ng pinagsanib na operatiba ng Pasay City Police, PNP-Highway Patrol Group (HPG)-PRO 3 at Malolos City police sa Barangay Longos, Malolos City.
Kinilala ni P/Col.Lawrence B. Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP ang inaresto na si Michael Jeck Pon-an, 28-anyos, binata ng Barangay Longos.
Nakilala naman ang biktima na si Aldrin Reyes, 30-anyos, administrator ng Challenge Aero Air Corporation ng Barangay 183, Pasay na natagpuang patay sa nasabing lugar at huling kasama nito ang suspek.
Pinatay ang biktima sa sa loob ng kanyang apartment sa pagitan ng alas-7:13 ng gabi hanggang alas-5:30 ng umaga noong Hunyo 12 at kinabukasan ay nadiskubre ng kanyang kapatid ang labi nito gayundin ang pagkawala ang sasakyan nito.
Noong Miyerkoles ay nagsagawa ng follow-up operation ang Pasay City Police, HPG at Malolos City Police at natiyempuhan ang suspek na habang lulan ng kinarnap na kotse. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.