(Harden hinugot sa blockbuster four-team trade) NETS NILAMBAT ANG KNICKS

nets vs knicks

KUMAMADA si Kevin Durant ng 26 points upang pangunahan ang Brooklyn Nets sa 116-109 panalo laban sa host New York Knicks.

Ang lahat ay naka-uniform maliban kay  DeAndre Jordan at umiskor si  Chris Chiozza ng  10 points para sa Nets, ilang oras makaraang mapaulat na kinuha ng koponan si James Harden mula sa Houston Rockets sa blockbuster four-team trade.

Pinagsama ng trade ang tanging active players na nagwagi ng tatlong sunod na scoring titles.

Si Harden ang reigning scoring champ (20017-20) habang nangunguna si Durant sa liga sa points per game mula 2009-10 hanggang 2011-12, at idinagdag ang ikaapat na scoring title noong 2013-14.

Nagbuhos si Bruce Brown ng 15 points at 14 rebounds para sa Nets habang gumawa si Joe Harris ng 15 points.

Nag-ambag sina Timothe Luwawu-Cabarrot at Landry Shamet ng tig-13 points at nagtala sina Jeff Green at  Reggie Perry ng tig-11 points.

Kumana si Julius Randle ng 30 points para sa Knicks, na natalo ng apat na sunod. Nagposte si RJ Barrett ng 20 points habang nagtala si Mitchell Robinson (10 points, 12 rebounds) ng double-double. Nag-ambag sina Immanuel Quickley (19 points) at  Kevin Knox II (13 points) ng double-digits mula sa bench.

LAKERS 128, THUNDER 99

Tumapos si LeBron James na may 26 points upang bitbitin ang Los Angeles Lakers sa panalo kontra Oklahoma City Thunder.

Umangat ang Lakers sa 7-0 sa road sa unang pagkakataon sa franchise history. Sa nakalipas na tatlong laro, ang Los Angeles ay naghabol sa loob lamang ng 11 segundo. Sa game  kahapon, ang Lakers ay lumamang sa buong laro.

Naipasok ni James ang season-high five 3-pointers, kabilang ang dalawa para sindihan ang 18-2 run sa kaagahan ng third quar-ter at lumayo sa kalaban.

Umiskor si James ng siyam na sunod na puntos sa naturang stretch.

GRIZZLIES 118, TIMBERWOLVES 107

Kumonekta si Kyle Anderson ng back-to-back 3-pointers sa isang eight-point run sa kalagitnaan ng fourth quarter upang tulungan ang bisitang Memphis Grizzlies na paamuin ang Minnesota Timberwolves.

Ang dalawang koponan ay maghaharap sa isang rematch sa Minnesota sa Biyernes.

Nanguna si Jonas Valanciunas na may 24 points at game-high 16 rebounds para sa Memphis, na nanalo ng tatlong sunod, kabilang ang ikalawang sunod sa kasalukuyang three-game trip nito.

Tumapos si Allen na may  20 points, habang nag-ambag sina Brandon Clarke ng 19, Melton ng 15, at  Xavier Tillman ng 12 pa-ra sa Grizzlies, na ang reserves ay na-outscore ng kanilang Minnesota counterparts, 50-21.

MAVERICKS 104, HORNETS 93

Nagsalansan si Luka Doncic ng 34 points, 13 rebounds at 9 assists upang pangunahan ang Dallas Mavericks sa pagdispatsa sa host Charlotte Hornets.

Kumana si Doncic, ang reigning Western Conference Player of the Week, ng 5 of 9 shots mula sa 3-point range upang ihatid ang Dallas sa ikaapat na sunod na panalo sa kabuuan at ikaapat na sunod din sa Charlotte.

BUCKS 110, PISTONS 101

Naiposte ni Giannis Antetokounmpo ang kanyang ika-20 career triple-double na may 22points, 10 rebounds at 10 assists at na-palawig ng bisitang Milwaukee Bucks ang kanilang winning streak laban sa Detroit Pistons sa 14 games sa pamamagitan ng 110-101 panalo.

Nakalikom si Jrue Holiday ng 21 points, 6 rebounds, 5 assists at 3 steals para sa Bucks, na ginapi ang Detroit sa ikatlong pagkakataon ngayong season. Ang 14-game streak, kabilang ang postseason games, ay nagsimula sa 2018-19 season.

Nagdagdag sina Bryn Forbes ng 13 points, Khris Middleton ng 12 at Bobby Portis ng 11 para sa Milwaukee.

Comments are closed.