HEART EVANGELISTA, BUNTIS NA?

MAY tsikang lumabas na buntis na raw ngayon si Heart Evangelista na mabilis wallfacenaman niyang sinagot sa social media sa pagsasabing, hindi siya pregnant, maaa­ring pregnant daw siya sa isang brand ng chicken na kanyang ini-endorso at hindi ‘yung literal na nagdadalang-tao.

Pahayag pa ng aktres, wala pa raw sa plano nila ngayong mag-asawa na magka-baby na, dahilan na rin sa sobrang bisi nilang dalawa sa kanya-kanyang trabaho. Sinasagad na raw ni Heart ang mga bagay na gusto niyang gawin para kung sakali man na magka-baby na siya, ay marami siyang maikukuwento sa kanyang magiging anak tungkol sa mga magagandang nangyari sa kanyang buhay.

Isa pa sa ipinagmamalaki ni Heart ay hindi niya inaasahan na mapasama ang kanyang listahan sa isa sa list of Vogue 100. At super excited naman ang kanyang byuti sa pagpapalabas ngayong 2020 ng international movie na tinapos niya ngayong taon. Sobrang iyakan daw ang ginawa ni Heart sa movie na ito na hin­ding-hindi pa raw niya nagawa sa halos lahat ng proyektong nagawa niya. Malaki rin ang kutob ni Heart na baka next year din gawan ng sequel ang naturang movie.

JAY MANALO  AMINADONG NAKIPAGRELASYON SA MGA BADING AT MATRONA

PARA sa isang magaling na actor tulad ni Jay Manalo, hindi big deal kung sakali JAY MANALOmang may mga projects siyang ginagawa kung saan ay may ka-kissing scene siyang kapwa niya actor. Tulad na lang sa latest movie niya na ginawa with Raymond Bagatsing.

Sabi ni Jay, hindi na bago sa kanya ang ganitong eksena. Una na niya itong ginawa, and take note, torrid kissing scene with Dennis Trillo, tulad ni Jay ay isa rin sa tini­tingalang actor sa bansa, sa pelikulang “Aishite Imasu” isa sa pelikulang kalahok noong 2004 Metro Manila Film Festival.

Say pa rin ni Jay, wala naman daw kaibahan para sa kanya kung lalake man o babae ang kahalikan niya sa isang eksena, ang kay Jay lang naman, ang pinaiiral niya sa mga ganitong eksena ay kasama lang ito sa trabaho, as in acting lang at hindi personalan. Say pa rin ng magaling na actor, mas marami pa nga raw siyang mga kaibigan na bading kaysa sa mga babaeng matrona. Hindi rin naman niya itinatago na minsan sa buhay niya ay nagkaroon na siya ng karanasan sa bading at matrona.

Para kay Jay, mas maunawain ang mga bading kaysa sa matrona na mas selosa pa kaysa sa kanyang mga naging girlfriend.

Comments are closed.