MARAMING nag-abang sa pilot episode ng “Starstruck 7” na mapapanood every Saturday and Sunday nights sa GMA-7. Bukod kasi na nais na makita ng mga televiewers ang mga bagong mukha ng wannabe artists ay inabangan din ang istilo ng paghuhukom ng mga bagong judges ng naturang artista search show, sina Heart Evangelista, Jose Manalo at Cherie Gil.
Pinatunayan talaga ni Heart ang kanyang pangalan pagdating sa pagju-judge. Andun ang kagustuhan niya na walang matanggal ang sinuman sa aspirant pero dahil kailangan nilang mamili ng ma-e-eliminate ay nagbibigay muna si Heart ng kanyang inspirational na payo sa lahat ng contestants at pahaging na rin na payo sa hindi mapalad na magpapatuloy ng kanyang Starstruck journey.
Feel na feel ni Heart ang pinagdaraanan sa buhay ng mga aspirant at sinasabi pa ni Heart na halos pareho rin ng kanyang pinagdaanan sa buhay sa mga ito. Lalo na ‘yung lumaki na hindi kapiling ang mga ina at ama.
Sa pinakitang chemistry ng tatlong bagong judges, no wonder agad itong nag-number one sa trending noong araw na iyon.
KRIS BERNAL NANIBAGO NA SA PELIKULA
AMINADO ang sexy Kapuso actress na si Kris Bernal na magkahalong kaba at excitement ang kanyang naramdaman ng sumabak na muli sa paggawa ng pelikula.
Inamin ng sexy young actress na it tooks her 8 years bago muling sumabak sa paggawa ng movie. At para mas lalong maging challenge kay Kris ang paggawa uli ng pelikula ay hindi patweetums ang kanyang role kundi isang maaksiyon na pelikula ang kanyang ginawa, ang “Kontradiksyon” kung saan ay gumanap siya bilang isang call center agent na na-involved sa pinagbabawal na droga.
Say ni Kris, sa tagal daw niyang hindi nakagawa ng pelikula at sa telebisyon lang napapanood, nanibago siya sa anggulo ng kamera para sa pelikula. Andu’n daw ‘yung ibang kamera angling, ibang kamera tricks at acting.
Feeling tuloy ni Kris ay isa na siyang ganap na artista ng pinilakang tabing. Bukod sa feeling baguhan ulit sa pelikula ay nagpasalamat din si Kris sa pelikulang nagawa, nabuksan daw ng husto ang kanyang kaalaman hinggil sa droga. Natutunan niya ang malalim na transaksyon nito. Ang kalakaran sa pagpapatakbo ng bawal na droga. Pero hindi naman daw niya masasabi kung pro o anti extra judicial killing siya o EJK.
Comments are closed.