TUMABO si Jimmy Butler ng 35 points at 11 assists, at dinispatsa ng bisitang Miami Heat ang Milwaukee Bucks — na naglaro sa malaking bahagi ng laro na wala si Giannis Antetokounmpo — 130-117, sa Game 1 ng Eastern Conference first-round playoff series nitong Linggo.
Umiskor si Bam Adebayo ng 22 points para sa eighth-seeded Heat, na naglaro wala pang 48 oras makaraang umabante sa playoffs matapos gapiin ang Chicago sa play-in elimination game. Tumipa si Kevin Love ng 18 points, nagdagdag sina Caleb Martin at Gabe Vincent ng tig-15 at umiskor si Tyler Herro ng 12 bago na-sideline sa second quarter dahil sa broken right hand.
Nagtamo si Antetokounmpo ng lower back contusion nang bumagsak sa sahig sa first quarter. Saglit siyang nanatili sa laro bago nagtungo sa locker room at dagliang bumalik sa second quarter bago tuluyang nilisan ang laro. Tumapos siya na may 6 points at 3 rebounds sa 11 minutong paglalaro.
Nanguna si Khris Middleton para sa Milwaukee na may 33 points. Umiskor si Bobby Portis ng 21 points, habang nagdagdag si Jrue Holiday ng 16 points at 16 assists.
Kapwa kumana sina Adebayo at Martin ng three-point plays, gumawa si Love ng dalawang 3-pointers at nagdagdag si Duncan Robinson ng late trey upang tulungan ang Miami na magtala ng 24 points sa huling 4:49 ng third quarter upang itarak ang 102-88 lead papasok sa fourth. Limang beses na lumapit ang Milwaukee sa walong puntos sa fourth quarter ngunit ito na lamang ang pinakamaganda nilang nagawa.
Lakers 128, Grizzlies 112
Umiskor si Rui Hachimura mula sa bench ng team-high 29 points, kapwa nagposte sina LeBron James at Anthony Davis ng double-doubles at naitala ng seventh-seeded Los Angeles ang road win kontra No. 2 seed Memphis upang bigyan anv Lakers ng 1-0 series lead.
Sa kanyang ika-6 na career playoff game, kumamada si Hachimura ng playoff career high sa scoring sa pagbuslo ng 11-for-14, kabilang ang 5 of 6 mula sa 3-point arc. Ang lahat ng kanyang limang 3-pointers ay nagmula sa second half. Isa siya sa apat na Lakers na umiskor ng hindi bababa sa 21 points, na sinamahan ni Austin Reaves na may 23. Nagdagdag si Davis ng 22 points at umiskor si James ng 21.
Clippers 115, Suns 110
Nagpakawala si Kawhi Leonard ng 38 points sa kanyang unang playoff game sa loob ng 22 buwan upang pangunahan ang Los Angeles laban sa host Phoenix sa Game 1 ng kanilang Western Conference first-round series.
Si Leonard ay 13 of 24 mula sa field at nagdagdag ng 5 rebounds at 5 assists sa kanyang unang postseason contest magmula nang mapunit ang ACL sa kanyang kanang tuhod laban sa Utah Jazz noong June 2021. Nagdagdag si Eric Gordon ng 19 points para sa fifth-seeded Clippers.
Nagsalansan si Kevin Durant ng 27 points, 11 assists at 9 rebounds sa kanyang unang playoff game para sa fourth-seeded Suns. Ito ang unang pagkakataon na natalo ang Phoenix sa siyam na laro na nasa court si Durant. Kumubra si Devin Booker ng 26 points, nag-ambag si Torrey Craig ng 22 at nakalikom si Deandre Ayton ng 18 points at 8 rebounds para sa Suns.
Nuggets 109, Timberwolves 80
Tumapos si Jamal Murray na may 24 points, 8 rebounds at 8 assists, nakakolekta si Nikola Jokic ng 13 points at 14 rebounds at pinataob ng host Denver ang Minnesota sa Game 1 ng kanilang first-round Western Conference playoff series.
Nagposte sinMichael Porter Jr. ng 18 points at 11 rebounds, gumawa si Kentavious Caldwell-Pope ng 15 points, nagdagdag si Bruce Brown ng 14 points at tumipa si Aaron Gordon ng 13 points para sa top-seeded Nuggets.
Kumabig si Anthony Edwards ng 18 points, nagtala si Karl-Anthony Towns ng 11 points at 10 rebounds, umiskor si Jaylen Nowell ng 12 points, nagdagdag si Kyle Anderson ng 11 at tumapos si Rudy Gobert na may 13 rebounds para sa Minnesota.