HEAT PINALAMIG NG SUNS

TUMAPOS si Deandre Ayton na may 19 points at 13 rebounds upang pangunahan ang host Phoenix Suns sa 106-86 panalo kontra Miami Heat noong Martes ng gabi.

Nakopo ng Suns ang ikatlong sunod na panalo at winalis ang season series sa Heat sa unang pagka-kataon mag-mula noong 2006-07 season. Nagwagi ang Phoenix sa 10 sa huling 11 laro at 31-7 mag-mula noong Jan. 28.

Si Ayton, bumuslo ng 8-for-10 mula sa field, ay isa sa anim na Suns na umiskor ng double figures. Apat sa kanila ay reserves at na-ouscore ng Phoenix bench ang second unit ng Miami, 65-24.

Nagsalansan si Cameron Johnson ng  15 points at 5 rebounds at nagdagdag si Cameron Payne ng 14 points, 7 assists at 5 rebounds. Nagtala si Torrey Craig ng 14 points at 6 rebounds habang nag-ambag si Dario Saric ng 13 points at 5 rebounds.

CELTICS 116,

BLAZERS 115

Nagbuhos si Jayson Tatum ng 32 points, 9 rebounds at 5  assists upang pagbidahan ang Boston Celtics sa 116-115 panalo laban sa host Portland Trail Blazers.

Umiskor si Jaylen Brown ng 24 points at nagdagdag si Kemba Walker ng 21 points, 8 rebounds at 7  assists para sa Boston na nanalo ng apat na sunod at sa ika-6 na pagkakataon sa nakalipas na pito.

Nagposte si Robert Williams III ng 16 points at 7 rebounds at kumabig si Marcus Smart ng 13 points at 7 assists.

Tumipa si Damian Lillard ng 28 points at nagbigay ng 10 assists, at tumirada si Carmelo Anthony ng 25 points sa 10-of-15 shooting para sa Trail Blazers.

Nagdagdag si Norman Powell ng 20 points at gumawa si CJ McCollum ng 16 points para sa Portland na natalo sa ika-5 pagkakataon sa huling pitong laro.

JAZZ 106,

THUNDER 96

Tumabo si Bojan Bogdanovic ng 23 points, at nagdagdag si Donovan Mitchell ng 22 upang tulungan ang  Utah Jazz na maitakas ang 106-96 panalo kontra Oklahoma City Thunder.

Ang pagkatalo, ika-7 sunod ng OKC, ay sumira sa career-high 42 points ni Lu Dort ng Thunder.

Naglaro ang Utah na wala ang tatlong regulars —Joe Ingles (knee soreness), Royce O’Neale (rest) at Jordan Clarkson (ankle sprain) — subalit may anim na players pa rin na nagtala ng double figures at tatlo ang nagposte ng double-doubles upang bumawi mula sa home loss sa Washington noong Lunes.

Nagsalansan si Rudy Gobert ng 13 points, 14 rebounds at 7 assists, at bumalik si Mike Conley sa lineup makaraang lumiban noong Lunes upang makakolekta ng 15 points at  14 assists.

Sinamantala ni Georges Niang ang kanyang unang start ngayong season sa pagkamada ng 18 points at 10 re-bounds para sa Jazz na nanalo sa ika-12 pagkakataon sa 15 games.

Sa iba pang laro, ginapi ng Los Angeles Clippers ang Indiana Pacers, 126-115; kinalawit ng Atlanta Hawks ang Toronto Raptors, 108-103; at pinulbos ng  Los Angeles Lakers ang Charlotte Hornets, 101-93.

One thought on “HEAT PINALAMIG NG SUNS”

Comments are closed.