HIDILYN POSITIBO SA COVID-19

Hidilyn Diaz

MAGING si Hidilyn Diaz, ang unang Filipino Olympic gold medalist, ay hindi nakaligtas sa bagsik ng COVID-19.

Sa isang Instagram story noong Miyerkoles, ibinahagi ni Diaz ang resulta ng kanyang positive COVID-19 RT-PCR test.

“Kahit ako po, nag-positive na po,” sabi ni Diaz, at nanawagan para sa pag-iingat ng bawat isa.

“Ingat po tayong lahat. Magpalakas at sundin lahat ng health protocols,” dagdag pa niya.