HIRING NG 10K TEACHERS (Ipinagpapatuloy ng DepEd)

teacher

ISINUSULONG ng Department of Education (DepEd) ang pagkuha ng 10,000 mga guro kasabay ng pagpapatupad ng Learning Continuity Program (LCP) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni  Jesus Ma­teo,  Education Undersecretary for Planning, Human Resource and Organizational Development and Field Ope­rations na nagpapatuloy  ang kanilang recruitment activities kahit naka-work from home mode ang ahensiya.

Nagsimula pa sa buwan ng Disyembre  ang application para sa pagkuha ng mga guro habang  ang job interviews ay isinasagawa sa online.

Ang hiring ng  10,000 guro ay inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).

Kinakailangan ng DepEd ng guro sa ratio na 1:40 sa mga estud­yante para maisagawa ang pagtuturo ngayong darating na school year.

Malaking porsiyento ng  budget ng ahensya ay nakalaan sa pagkuha ng karagdagang mga guro.

Magpapatuloy rin ang remote enrollment at dropbox methods para sa mga estudyante.

Batay sa  huling datos ng DepEd, aabot na sa 16,876,175 estudyante  ang nakapag-enroll na para sa school year 2020-2021.

Comments are closed.