NAGTALA ang foreign portfolio investments para sa Nobyembre ng net outflows na $345 million bilang resulta ng $1.5 billion na outflows at $1.2 billion na inflows para sa naturang buwan.
Ang foreign portfolio investment ay tinatawag ding ‘hot money’ dahil sa kaluwagan ng pagpasok at paglabas ng pondo sa merkado.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang pinakabagong ‘hot money’ figure ay kabaligtaran ng net in-flows na $105 million noong Oktubre.
Sa ulat ng central bank, 73% ng outflows ay resulta ng investments mula sa United States na nag-pull out sa Filipinas.
Ang outflows para noong nakaraang buwan ay mas mataas ng 34.2% sa Oktubre.
Ayon sa BSP, ang stalled trade negotiations sa pagitan ng US at China, ang public impeachment hearings ni US President Donald Trump, Hong Kong protests, at rebalancing ng Morgan Stanley Capital International Philippines Index ang mga kaganapan na maaaring nakaapekto sa business sentiment.
Samantala, ang portfolio investments noong Nobyembre ay bumaba ng 4.5% mula sa $1.3-billion figure noong Oktubre. Nasa 86.4% ng investments ay nasa Philippine Stock Exchange-listed securities, habang ang nalalabi ay inilagak sa peso-denominated government securities.
Ang United Kingdom, US, Singapore, Hong Kong, at Luxembourg ang top 5 para sa buwan.
“Year-on-year, registered investments were 41.4% lower than the $2 billion-level recorded in November 2018. Gross outflows were also 27.5% higher than the outflows recorded a year ago.” PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.