ILANG dekada nang singer, producer at ngayon ay nagsisilbi bilang Vice Governor sa second district ng Camarines Sur si Imelda Papin at ngayon ay certified businesswoman na rin.
Yes! Bukod sa sariling Papin Dialysis Center at Beauty Clinic, may sariling beauty products at may sarili na ring coffee brand na Mel Healthy 4-In-One coffee with turmeric na mabibili na sa mga leading grocery and drug stores. Isa ang kapeng ito sa give away sa mediacon ni Imelda para sa parating na anniversary concert titled “Imelda Queen@45” na gaganapin sa Philippine Arena sa October 26.
Para sa kapakanan ng lahat ng manonood, mag-uumpisa ang concert ng 6 PM at matatapos ng 9 PM, ayon pa kay VG Mel, para makauwi ng maayos ang kanyang fans. Take note, maraming pasabog si Imelda sa nasabing big concert na ngayon lang masasaksihan ng kanyang mga taga-hanga.
Makakasama ni Mel ang kanyang mga kumareng sina Claire dela Fuente at Eva Eugenio at LA Santos na nag-revive ng kanyang “Isang Linggong Pag-ibig” millennial version. May surprise number din si Mel at ang kanyang mga kapatid na sina Gloria Belen at Aileen Papin at unica hija na si Maffi Papin. Sobrang dami rin ng kanyang OPM Artist guests kaya sulit na sulit ito. Nasa 80% na ang nabebentang tickets kaya puwedeng mapuno ng nasabing Undisputed Jukebox Queen ang Philippine Arena.
UNANG TAMBALAN NINA CARLO AT MAINE NAG-AMOY BLOCKBUSTER
MASAYANG humarap sa entertainment press and bloggers ang pangunahing bida ng pelikula na sina Carlo Aquino at Maine Mendoza kasama ang kanilang director na si Prime Cruz. Kung kinilig ang press noon sa AlDub ay magaling ring magpakilig sina Carlo at Maine at swak sila sa una nilang tambalan. ‘Yung slow romantic dance scene ng dalawa na sinabayan ng tugtog na “Buwan” ni JK Labajo ay pambenta na sa movie plus ‘yung kakaibang atake ng love story nito, sigurado magiging patok ito sa manonood.
Hindi pa nga naipapalabas ay 60 block screenings na ang handog ng fans ni Maine bilang suporta sa kanilang idol at hindi pa kasama rito ang fans ni Carlo na may pa-block screening din.
SECOND EDITION NG MACHO MEN MAPANONOOD NA SA EAT BULAGA
TAONG 1980 ay pumatok ang Mr. Macho segment ng Eat Bulaga at inspired ang Talent contest na ito sa sikat na disco song ng Village People na “Macho Man.” Year 2007 nang ilunsad naman ng programa ang kanilang “Macho Men” kung saan isa sa lumahok ay ang sikat na ngayong komedyante na si Michael V. Last September 30 muling napanood ang second edition ng Macho Men na sampung young and talented, good looking and physically fit ang kalahok.
Araw-araw ay tatlong contestant ang maglalaban. Pero sino kaya sa tatlong pambato mong Macho Man ngayong Sabado ang wagi? Ang construction worker ba, ang magician, ang Hawaiian hunk, ang rockstar, ang football player o ang cowboy? EDZ – Macho Man ng Taguig, Mhack – Macho Man ng Manila, Jser – Macho Man ng Camarines Sur, Paolo – Macho Man ng Cavite, Joco – Macho Man ng Bulacan at Czack-Macho Man ng Quezon City. Ang tatanghaling Grand winner sa grand finals ay pasok na sa Tatak Eat Bulaga Grand Showdown kasama ng iba pang grand winners.