TINUTUGIS na ng mga awtoridad ang private importers ng basurang galing Canada na itinambak sa Filipinas.
Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pananagutin ng gobyerno sa kasong kriminal ang naturang importers.
Bukod dito, ipasasagot ng pamahalaan sa nasabing mga importer ang storage fees, demurrage at iba pang land charges sa bas-ura.
Kahapon ay tumulak na ang barkong magbabalik sa Vancouver, Canada ng naturang mga basura.
Magkakaroon ng stop over sa pantalan sa China ang nasabing barko.
Nagbigay naman ng clearance ang China para sa naturang transshipment.
Nauna rito ay nagalit si Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi inaaksiyunan ng Canadian government ang nasabing mga bas-ura kaya nagdesisyon itong ipabalik na ito sa Canada kahit umano ang Filipinas ang gumastos.
Gayunman, sinagot din ng Canada ang reshipment ng mga basura na aabot sa P10 milyon.
Comments are closed.