INAASAHANG tataas ang presyo ng lechon sa mga susunod na linggo sa La Loma, Maynila habang papalapit ang Pasko.
Ayon sa negosyanteng si Luring Atencio, ramdam na ang paglakas at pagtaas ng presyo ng nasabing paninda simula pa noong huling linggo ng Oktubre.
Hindi naman niya matantiya kung magkano ang idadagdag dahil tawid-dagat o mula pa sa Visayas ang suplay ng mga baboy.
Samantala, naglalaro ngayon sa P6,000 hanggang P10,000 ang presyo ng lechon depende sa laki. DWIZ 882