(Inaasahang bubuhos) FOREIGN INVESTMENTS SA DIGITAL BANKING

Benjamin Diokno

MARAMI pang  investments mula sa foreign banks para sa digital banking ang inaasahang papasok sa bansa, ayon sa Bangko  Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na buhat nang simulan ang digital banking framework sa bansa noong December 2020 ay inaasahan na ng central bank ang paglago sa foreign investment sa digital banking.

“In fact, a number of new and incumbent foreign banks have expressed intent to establish a new digital bank or convert their existing license to a digital bank license,” ani Diokno.

Ayon kay BSP Policy and Specialized Supervision Sub-Sector managing director Lyn Javier, ilang foreign banks sa Europe at Asian regions ang nagpakita ng interes sa digital banking sa bansa.

Ani Javier, hindi bababa sa tatlong bangko ang nakatapos na ng phase one ng licensing process para sa digital banks. Ipagpapatuloy, aniya, ng BSP ang pag-evaluate sa iba pang applications pagkatapos na magsumite ng kumpletong dokumento.

Bukod sa mga oportunidad sa digital banking sa bansa, sinabi ni Diokno na may malaking interes ang mga foreign bank na makipagsosyo sa pribadong sektor sa pagsusulong ng investments sa infrastructure at sustainable finance.

“Foreign banks have the capacity to pool funds to finance infrastructure projects in key sectors such as renewable energy, low carbon transport, sustainable water management, and sustainable waste management,” anang BSP chief. PNA

6 thoughts on “(Inaasahang bubuhos) FOREIGN INVESTMENTS SA DIGITAL BANKING”

  1. 109440 605562Soon after study a number of the websites on your personal internet website now, i truly like your means of blogging. I bookmarked it to my bookmark website list and will also be checking back soon. Pls consider my web-site likewise and tell me what you consider. 585105

Comments are closed.