UMABOT na sa halos P449 million ang pinsala sa imprastruktura ng bagyong Odette, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa isang statement, sinabi ng Bureau of Maintenance ng ahensiya na ang halaga ng pinsala sa national roads, bridges, at flood-control structures ng bagyo ay nasa P448.9 million hanggang Martes ng tanghali.
Ang bagyo ay nagdulot ng P209.5 million na halaga ng pinsala sa mga kalsada habang ang pinsala sa mga tulay at flood-control structures ay tinatayang nasa P100 million at P139.4 million, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, na-clear na at muling binuksan ng DPWH ang kabuuang 33 road sections upang masiguro ang paghahatid ng relief goods sa mga apektadong lugar.
Kasalukuyan namang tinatrabaho ng DPWH Quick Response Teams ang reopening ng 11 national road sections na hindi pa rin madaanan sa Mimaropa, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, at Caraga.
Kinukumpuni ng teams ang mga sumusunod na closed roads: Puerto Prinxcesa North Road (SO0030PW), Langogan Bridge sa Puerto Princesa City; Cebu-Toledo Wharf Road at Toledo-Pinamungajan Aloguinsan-Mantalongon Road, Barangay Cabitoonan, Toledo City dahil sa mga tumumbang puno at electric posts at debris; Toledo-Pinamungajan Aloguinsan-Mantalongon Road, Barangay Cabitoonan, Toledo City sanhi ng pagbagsak ng electrical posts; Sariling Bridge, Malabuyoc, Cebu dahil sa damaged/collapsed bridge abutment at washed out revetments.
Gayundin ang Santander-Barili-Toledo Road, Intermittent sections, Barangay Madridejos, Alegria, Cebu dahil sa damaged/collapsed pavement sa intermittent sections; at Bais-Kabankalan Road, K0059+100, Barangay Manlipac, Bais City, Negros Oriental dahil sa soil collapse.
Sa Mindanao, ang mga hindi madaanang kalsada ay ang mga sumusunod: Misamis Oriental – Bukidnon – Agusan Road sa Barangay Siloo, Malitbog, Bukidnon; Butuan City – Cagayan de Oro City – Iligan City Road, Old Mambayaan Bridge; Sta. Filomena – Bonbonon – Digkilaan, Rogongon Road, Sitio Salinsing at Purok Lindaban, Barangay Rogongon, Iligan City; Dinagat-Loreto Road sa Mahayahay, San Jose, Dinagat Islands; NRJ Bayugan-Calaitan-Tandag Rd sa Barangay Sto. Nino, Bayugan City, Agusan del Sur; at Bayugan-Esperanza Road in Barangay Nato, Esperanza, Agusan del Sur. PNA