TUMAAS ang government spending sa infrastructure sa first half ng taon sa P352.7 billion sa likod ng pagpapatupad ng mga proyekto sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang paggasta ng pamahalaan para sa mga proyektong pang-imprastraktura sa unang anim na buwan ng taon ay mas mataas ng 41.6 percent sa P249.1 billion na naitala sa kaparehong panahon noong 2017.
Ang infrastructure disbursement ay mas mataas din ng 4.3 percent sa programa ng gobyerno na P338.3 billion sa naturang panahon.
Ang paglobo ng infrastructure spending ay sanhi ng implementasyon ng road projects ng DPWH, gayundin ng iba pang mga proyektong pang-imprastraktura ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Sa datos ng DBM, sa buwan ng Hunyo pa lamang, ang infrastructure spending ay umabot sa P71.9 billion, mas mataas ng 38.6 percent sa P51.9 billion na naitala sa kahalintulad na buwan noong 2017. Month-on-month, nagposte ito ng pagtaas na 23.8 percent mula sa P58.1 billion noong Mayo 2018.
“The projects that pushed infrastructure disbursements for June include the DPWH’s construction, widening, upgrading, and preventive maintenance of road networks nationwide; the repair and rehabilitation of classrooms and school facilities under the Department of Education (DepEd) and the State Universities and Colleges (SUCs); acquisition of hospital and medical equipment of the Department of Health (DOH); as well as rail transport projects and purchase of airport security equipment of the Department of Transportation (DOTr),” paliwanag ng DBM.
Ang disbursements ng pamahalaan para sa first half ng 2018 ay umabot sa P1.604 trillion, mas mataas ng 20.5 percent sa P1.330 trillion ng nakaraang taon, at mas malaki rin ng 2.2 percent sa programmed P1.569 trillion na itinakda ng gobyerno para sa naturang panahon.
“The performance of government spending is unprecedented, because we are ahead of the program for the first time in history. This is a result of the reforms we have implemented in the planning and budgeting,” wika ni Budget Secretary Benjamin E. Diokno.
Ang total disbursements para sa buwan ng Hunyo pa lamang ay nasa P278.5 billion, mas mataas ng 2.9 percent sa P270.7 billion noong Hunyo 2017. Month-on-month, ang disbursements ay bumaba ng 4.6 percent, kung saan ang May 2018 disbursements ay nasa P291.9 billion. REA CU
Comments are closed.