(Inihirit sa Kongreso) P30-B DAGDAG BUDGET SA DA

William Dar

NASA P30 billion ang karagdagang budget na hinihingi ni Agriculture Secretary William Dar para sa ahensiya para sa susunod na taon.

Ayon kay Dar, ikalulugod nila kung madaragdagan ng P30 billion ang pondo ng ahensiya sa susunod na taon upang mas matulungan pa ang mga magsasaka, hog raisers, poultry farmers at mangingisda na pinadapa ang kabuhayan dahil sa African swine fever (ASF) at COVID19 pandemic.

Sa budget presentation ni Agriculture Usec. Fermin Adrinao, mula sa proposed P231.76 billion na hirit na pondo ng DA sa Department of Budget and Management (DBM), aabot lamang sa P91.007 billion ang inaprubahang alokasyon para sa ahensiya sa ilalim ng 2022 National Expenditure Program (NEP).

Mas mataas man, aniya, ito ng 1.05% kumpara sa 2021 budget na P90 billion ay kukulangin ito para matulungan ang mga industriyang apektado ng ASF at pandemya. CONDE BATAC

6 thoughts on “(Inihirit sa Kongreso) P30-B DAGDAG BUDGET SA DA”

  1. 367530 920918Wow, wonderful weblog layout! How long have you been blogging for? you make blogging look straightforward. The overall appear of your website is great, as effectively as the content material! 832276

Comments are closed.