INTEREST RATE NANATILI SA 6.25%

PINANATILI ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang benchmark interest rate sa kasalukuyang level nito na 6.25 percent sa gitna ng paghupa ng inflation.

Gimawa ni BSP Governor Felipe Medalla ang pahayag sa Monetary Policy meeting ng central bank.

Makaraang pumalo sa 14-year high na 8.7 percent noong January, ang inflation ay bumagal sa tatlong sunod na buwan — 6.6 percent noong April, mula 7.6 percent noong March at 8.6 percent noong February.

Gayunman, ang inflation rate ay nananatiling mataas sa 2 hanggang 4 percent target range ng pamahalaan.

Ang key rate para sa overnight deposit facility ay pinanatili sa 5.75 percent, overnight borrowing facility sa 6.25 percent, at overnight lending facility sa 6.75 percent, na ipinatupad noong March 24, 2023.

Tinaasan na ng Monetary Board ng BSP ang key policy rates ng 425 basis points magnula noong May 2022, ang pinakahuli ay ang 25-basis point increase simula noong March 23.